Nawalan ng saysay ang pagsusumikap ng isang vendor na magbagong buhay at tuluyan nang iwan ang paggamit ng ilegal na droga, matapos itong pagbabarilin ng hinihinalang vigilante sa Caloocan City.

Dead on the spot si Christian Ian Carreon, 28, ng No. 4-B Bisig ng Nayon, Barangay 4 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng .9mm pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bago ang insidente, dalawang ulit na umanong sumurender ang biktima sa mga pulis upang magbagong buhay at nangakong hindi na muli pang gagamit ng shabu.

Upang may mapagkakitaan, nagtayo ng maliit na tindahan si Carreon sa gilid ng kanyang bahay.

Politics

Renee Co, ibinahagi personal niyang 'curly hair' tips

Ngunit nitong Biyernes, dakong 8:00 ng gabi, habang abala umano sa pagtitinda ang biktima ay biglang sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril si Carreon hanggang sa mamatay.

Hindi naman matanggap ng mga naulila ng biktima ang sinapit nito.

“Parang wala kang paglalagyan, eh. Magpakalulong ka sa ilegal na droga, tiyak papatayin ka. Magpakatino ka at magbagong buhay papatayin ka pa rin,” ayon sa mga kaanak ng biktima. (Orly L. Barcala)