NIAMEY (AFP) – Natagpuan ang mga bangkay ng 34 na migrante, kabilang na ang 20 bata, na inabandona ng mga smuggler habang nagsusumikap na makarating sa katabing Algeria sa Niger desert noong nakaraang linggo, sinabi ng mga awtoridad kahapon.

“Thirty-four people, including five men, nine women and 20 children died trying to cross the desert,” saad sa pahayag ng Niger interior ministry.

“They probably died of thirst, as is often the case, and they were found near Assamaka,” sabi ng isang security source sa AFP, na ang tinutukoy ay ang border post sa gitna ng Niger at Algeria.

“(The migrants) were abandoned by people smugglers,” dagdag sa pahayag.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ang mga temperatura sa rehiyon ay maaaring umabot sa nakamamatay na 42 degrees Celsius (108 degrees Fahrenheit), at sinasabayan ng nakabubulag na sandstorm sa disyerto.

Ang masamang kondisyon ay nangangahulugan na kapiranggot lamang ng mga namamatay habang nagsusumisikap na makatawid sa lugar ang natatagpuan.

Libu-libong illegal migrant ang dumating sa Algeria nitong mga nakalipas na taon, karamihan ay mula sa katabing Mali at Niger.

Ang Libya ang dating takbuhan ng maraming migrante sa sub-Saharan Africa, ngunit simula nang masadlak sa kaguluhan ang bansa kasunod ng pagpapatalsik kay Moamer Kadhafi, ang Algeria na ang naging pangunahing destinasyon ng mga migrante sa rehiyon.