Tinawag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na baluktot ang naging katwiran ni Pangulong Aquino sa pagtatanggol sa paggamit ng kapatid nitong si Kris Aquino ng helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa campaign sorties ng mga kandidato ng Liberal Party.

Ayon sa kandidato para bise presidente, hindi tamang sabihin na dahil isa ang aktres sa pinakamalalaking individual taxpayer ay may karapatan na itong gamitin ang anumang sasakyan o gamit ng gobyerno, kahit na ito ay para isulong ang kandidatura ng mga pambato ng administrasyon.

“Baluktot na pag-iisip po ‘yun,” sinabi ni Escudero sa isang panayam sa radyo sa Camarines Norte nang mangampanya sa lalawigan kamakailan ang “Gobyernong may Puso” na isinusulong nila ng running mate niya na si Sen. Grace Poe.

“Ang mayaman lang ba na tulad nila ang may karapatan na gumamit ng mga service vehicle ng gobyerno, at ‘yung mahihirap na walang ibinabayad na buwis, kung tratuhin ay parang hayop?” ani Escudero.

Eleksyon

Camille Villar, nagpasalamat sa mga bumoto: 'Sa tiwala ninyo, nagtagumpay tayo!'

Tinukoy ni Escudero ang kaso ng mga nagprotestang magsasaka sa Kidapawan City, na sa halip na bigyan ng hinihinging ayudang bigas ay dumanas ng marahas na dispersal ng pulisya. (Beth Camia)