Inaasahang sisimulan na sa Hulyo ang paggawa sa unang bahagi ng C-5 South Link Expressway, ayon sa Cavitex Infrastructure Corp. ng Metro Pacific Investments Corp.

Ayon Mr. Luigi Bautista, pangulo ng CIC, nakakuha sila ng go signal mula sa Toll Regulatory Board at Department of Public Works and Highways (DPWH) para gawin ang proyekto.

Aniya, gagawin ang groundbreaking ceremony sa Mayo 2.

Aabot sa P2.5 bilyon ang gagastusin sa unang bahagi ng Expressway mula Taguig City hanggang Moonwalk at Merville Village sa Sucat, Parañaque samantalang gugugol ng P7.5 bilyon ang Phase II ng proyekto mula sa Merville, Parañaque, hanggang Coastal Road.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nabatid na ang bagong C-5 ay magiging karugtong ng Manila-Cavite Expressway o Cavitex at Cavite-Laguna Expressway o CaLax.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa 2019, at magsisilbing alternatibong ruta sa EDSA, kaya inaasahang mapaluluwag ang trapiko sa Taguig, Parañaque, Makati, Pasay, Pasig at Quezon City, gayundin ang Maynila, Las Piñas at Cavite.

(MAC CABREROS)