DUBLIN (Reuters) – Nakaranas si Rory mcIlroy, ang number one golfer ng mundo, ng isang “awkward moment” nang manood siya ng rugby match ng Ulster at Connacht kamakalawa.
Ang tagasuporta ng Ulster ay nasa kalagitnaan ng isang television interview sa BBC nang patugtugin ang kanta ni Neil Diamond na “Sweet Caroline” sa public address system.
Napangiti na lamang si McIlroy, yumuko at sinambit ang “Oh, dear”.
Matatandaang tinapos ng Northern Irishman ang kanyang engagement sa dating world number one women’s tennis player na si Caroline Wozniacki noong Mayo, sa parehong linggo nang kanyang mapanalunan ang BMW PGA Championship sa Wentworth.
Matapos nito ay nakapag-uwi si McIlroy ng tatlong sunod na panalo sa British Open at Royal Liverpool, WGC-Bridgestone Invitational sa Ohio at ang U.S. PGA Championship sa Kentucky.
Ang 25-anyos ay kasalukuyang nagpapahinga bago muling sumabak sa competitive golf sa bagong taon.
“I’m in my off-season so I can enjoy myself, enjoy my Christmas dinner and have a few drinks,” sabi ni McIlroy.