BUENOS AIRES (AFP) – Naospital nitong Biyernes si Argentine President Cristina Kirchner makaraang matapilok, ayon sa local media, ang huli sa serye ng mga pisikal na problema na nagbubunsod ng pagkansela ng mga public engagement ng unang babaeng presidente ng bansa.
Nagpapahinga ngayon ang 61-anyos na leader sa kanyang bahay sa katimugang probinsiya ng Santa Cruz, na roon siya dinala makaraang gamutin sa ospital, ayon sa media reports.
Halos isang buwang hindi nakapagtrabaho si Kirchner simula noong Oktubre 30 matapos siyang maospital dahil sa gastrointestinal inflammation kaya naman hindi siya nakadalo sa isang pulong ng G20 sa Australia.