Disyembre 27, 1934 nang palitan ng Persian Shah ang pangalan ng kanyang bansa, mula sa “Persia” ay ginawang “Iran.”
Pinaniniwalaang dahil ito sa suhestiyon ng Iranian ambassador sa Germany sa impluwensiya ng Nazis dahil sa paniniwalang makapangyarihan ang Germany at mabuting ugnayan sa mga bansang may lahing “Aryan”.
Nais ng bansa na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan, at maging malaya mula sa Qajars, at mula sa impluwensiya ng Britain at Russia. Ang “Iran” ay halaw sa “Aryan”.
Ang pagpapalit ng pangalan ay isang bagong simula para sa bansa. Hiniling ng Iranian Ministry of Foreign Affairs sa mga embahada na tawagin ito sa bagong pangalan.