August 17, 2026

Home BALITA Internasyonal

Sana all? Singapore, paparusahan mga nag-aabuso sa paggamit ng AI images

Sana all? Singapore, paparusahan mga nag-aabuso sa paggamit ng AI images
Photo courtesy: Unsplash

Maaaring makulong ang sinumang mang-aabuso sa pag-generate ng mga artificial intelligence (AI) images na gumagawa ng malalaswang larawan sa Singapore.

Ayon sa Singapore authorities, saklaw ng batas ang pagpaparusa sa mga taong gumagamit ng mga menor de edad at ng AI upang gumawa ng mga maseselang gawain.

Mahigpit ding tinitiktikan ng Singapore ang mga masasamang loob na mananamantala ng mga menor de edad na partikular na nasa edad 1 taong gulang pababa. Ang sinumang mapapatunayang lumabag dito ay maaaring makulong ng dalawang taon na may kasamang multa.

Samantala, mas mabigat naman ang multa sa sinumang gagamit ng AI upang gumawa ng "grooming" sa mga menor de edad at ilako ang mga ito sa internet ay mapaparusahan ng aabot sa pitong taon.

Ayon kay Singapore Home Affairs Minister Sim Ann, ang naturang batas ay naglalayong matigil ang patuloy na pag-ikot umano ng mga malalaswang AI materials na kinasasangkutan ng mga menor de edad na siya umanong nag-uugat sa porma ng pang-aabuso.

Internasyonal

Philippine Embassy, kinumpirmang walang naapektuhang Pinoy sa lindol sa Indonesia