Nobyembre 8, 1939 — ang ika-16 anibersaryo ng tangkang kudeta ni Nazi Supreme Leader Adolf Hitler — nang planuhin ang pagpatay sa kinamumuhiang leader ng Germany.

Nagtanim ng bomba ang komunistang German na si Johann Georg Elser, ang nasa likod ng malagim na plano, sa Burgerbrau Beer Cellar sa Munich, Germany, na roon magtatalumpati si Hitler. Inihayag ni Hitler ang kanyang mensahe, na tumagal ng walong minuto.

Labindalawang minuto makaraang lisanin ni Hitler at ng iba pang tagapamuno ng Nazi ang nasabing hall, ay agad na sumabog ang bomba, na pumatay sa pitong katao, at 63 naman ang nasugatan. Gayunman, hindi tinamaan ng bomba ang target nito.

Makalipas ang isang araw, sinisi ng Voelkischer Beobachter (opisyal na pahayagan ng Nazi Party) ang mga British secret agent sa pambobomba, na nais lumikha ng gulo laban sa British.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Abril 9, 1945 nang bitayin si Elser sa pamamagitan ng firing squad sa isang German concentration camp.