May 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rita Avila tungkol kay Mayor Leni: 'Sana wag na siyang tumakbo bilang Presidente sa 2028!'

Rita Avila tungkol kay Mayor Leni: 'Sana wag na siyang tumakbo bilang Presidente sa 2028!'
Photo courtesy: Rita Avila (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng saloobin ang aktres na si Rita Avila kaugnay sa posibilidad ng muling pagtakbo ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo bilang Pangulo sa 2028 elections, dahil sa muling paghimok ng mga Kakampink o mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.

Sa kaniyang Facebook post noong Mayo 15, sinabi ni Avila na mas nais niyang huwag nang tumakbo bilang Pangulo si Robredo upang mapanatili umano nito ang mapayapang buhay matapos ang kaniyang pagkatalo noong 2022 presidential elections, lalo na ngayong magulo ang mga nangyayari sa politika.

Ayon kay Avila, wala nang dapat patunayan pa si Robredo dahil naipakita na umano nito ang “kabutihan, kasipagan at katalinuhan” bilang lingkod-bayan.

"Hindi ko alam ang gusto ni Mayor Leni Robredo pero sana wag na shang tumakbo bilang Presidente sa 2028.

Mapayapa na ang buhay niya ngayon," mababasa sa kaniyang post.

Tsika at Intriga

Sen. Bato dela Rosa, bumisita kina Andrea Del Rosario?

"Para ano para saluhin nya ang mga problemang iiwan sa kanya ng mga nakaupo ngayon? Siya pa pagbibintangan ng mga hunghang," aniya pa.

Binanggit din ni Avila ang kaniyang pagkadismaya sa ilang botante na umano’y hindi pumipili ng mga kandidatong makapagbibigay ng maayos na pamahalaan at bansa.

"Marami pa ring walang kwentang Pilipino na ayaw naman ng maayos na Presidente at maayos na bansa.

Eh di maghirap tayo nang maghirap, magkagulo nang magkagulo, maghari-harian ang mga goons."

"Baka pag nasa lusak na tayo, may mga dumilat. Yun nga lang, huli na. Lunod na. Ginusto nyo yan eh."

"Wag na natin idamay si Mayor Leni. Naipakita na niya ang kabutihan, kasipagan at katalinuhan nya. Wala na siyang papatunayan pa. Yung mga nagmamagaling, ano na?" banat pa niya sa ilang mga botante.

Photo courtesy: Screenshot from Rita Avila/FB

Matatandaang tumakbo si Robredo bilang Pangulo noong 2022 elections ngunit natalo siya kay Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na kasalukuyang pangulo ng bansa.

Sa kabila nito, marami pa rin ang humihimok kay Robredo na muling sumabak sa presidential race sa 2028 upang makatapat umano ang inaasahang pinakamalakas na kandidato na si Sara Duterte.

Gayunman, nauna nang nagpahayag si Robredo na wala siyang balak tumakbo bilang Pangulo sa 2028. Sa halip, nakatuon umano siya ngayon sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Naga City.

Maki-Balita: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028