Pahapyaw lang ang naging tugon ni Senate President Alan Peter Cayetano hinggil sa posibilidad na maaresto sa Senado si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa nakaambang plunder case.
Sa ambush interview ng media kay Cayetano nitong Lunes, Mayo 18, 2026, natanong siya kung nakahanda rin niyang protektahan si Estrada, katulad nang naging pagprotekta niya noon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa laban sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Saad ni Cayetano, tila malayo raw ang kaso sa isa’t isa nina Estrada at Dela Rosa.
“Ang layo. Local court yung kay Jinggoy, international yung [kay Sen. Bato],” ani Cayetano.
Nitong Lunes din ng kumpirmahin ng Ombudsman ang plunder case na inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa maanomalyang flood control projects.
"The primary respondents named in the resolution of the DOJ include Senator Jose "Jinggoy" Ejercito Estrada," ani Assistant Ombudsman Mico Clavano sa press conference nitong Lunes, Mayo 18, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Jinggoy, kabilang sa mga nirekomendang kasuhan ng plunder ng DOJ!
Kaugnay naman nang naging pagprotekta ng Senado sa kaso ni Dela Rosa, matatandanag noong Mayo 13 nang tahasang inihayag ni Cayetano sa kaniyang Facebook live na hindi nila iiwanan si Sen. Bato, kasunod ng naging tensyon at gulo sa akmang paghuli umano ng National Bureau of Investigation (NBI).
“We're not going to leave Sen. Bato, we're not going to leave each other. May agreement na, we're still looking at the Supreme Court decision, but his legal remedies have not been exhausted,” ani Cayetano sa kaniyang FB live.
KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato