May 17, 2026

Home BALITA Politics

‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato

‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato
Photo courtesy: Screengrab from Facebook

Nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos umalingawngaw ang putok ng mga baril sa loob ng institusyon nitong Miyerkules, Mayo 13, 2026.

Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, may natanggap umanong babala ang ilang senador na umalis sa gusali dahil may posibleng mangyari habang nagpapatuloy ang usapin kaugnay kay Sen. Ronald dela Rosa.

“Four senators got tips, 30 minutes ago while we were talking, na umalis na dito kasi may mangyayari. This is the Senate of the Philippines, we are allegedly under attack! The sergeant-at-arms said na may putukan dito,” ayon kay Cayetano sa isang pahayag sa kaniyang Facebook live.

Binigyang-diin din ni Cayetano na hindi nila iiwan si Dela Rosa habang nagpapatuloy ang usapin kaugnay ng umano’y arrest warrant laban dito mula sa International Criminal Court (ICC).

“We're not going to leave Sen. Bato, we're not going to leave each other. May agreement na, we're still looking at the Supreme Court decision, but his legal remedies have not been exhausted,” dagdag niya.

Politics

SP Cayetano, sinulatan mga senador; impeachment court magko-convene sa Mayo 18

Nasa ilalim ngayon ng proteksyon ng Senado si Dela Rosa matapos lumutang ang ulat hinggil sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya kontra droga noong nakaraang administrasyon. 

Nagpatupad din ng lockdown at pinaigting na seguridad sa loob ng Senado habang nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng mga awtoridad at mga kaalyado ni Dela Rosa.

Ayon sa ilang ulat, nagkaroon din ng komosyon sa loob ng gusali habang tinatangka umano ng mga operatiba na lapitan ang senador. 

Samantala, nangyayari ang kaguluhan kasunod ng pagpapalit sa liderato ng Senado kung saan nahalal si Cayetano bilang bagong Senate President kapalit ni dating Senate President Tito Sotto. 

Iniuugnay ng ilang ulat ang pagbabago ng liderato sa mga isyung kinahaharap ni Dela Rosa at sa nalalapit na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.