Noong mga nagdaang araw, napaulat ang malawakang brownout sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa kakulangan ng power supply at power reserves.
Dahil dito, isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga nasabing lugar sa yellow at red alert, na naging dahilan ng power interruption sa loob ng 3 at higit na oras.
MAKI-BALITA: Mga lugar na posibleng maapektuhan ng brownout ngayong Mayo 14-Balita
Kasabay nito, hindi naman nagpatinag ang isang sikat na hotel, at ipinagmalaking hindi uso sa kanila ang brownout!
Viral ngayon ang isang Facebook post mula sa isang tanyag na hotel kamakailan.Tila kasi naging estratehiya nila ito upang alukin ang kanilang customers!
“Brownout? Tara muna dito. Enjoy a comfy and relaxing stay with fully air-conditioned rooms and cozy vibes here,” mababasa sa Facebook post.
Anila, “For reservations, please call or text our Room Reservations Office. Available Monday–Sunday | 6:00 AM – 10:00 PM”
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon at komento mula sa netizens.
“Yes po tama napakalaking tulong lalo ngayon brown out,, buti nlng meh kapitbhay kameng s**o.. Nakatulog din ng maayos,, super bet ko ang ambiance literal na so clean and good”
“Mas ok to kesa mag Aircon ka sa kotse mo ng 3hours haha”
“kaso wala family room. di makapag check in family pag brownout”
“dinaman ata need ng ilaw unless redlight ang gamit”
“Gandang promotion niyan Hotel S**o. Tamang check in muna habang walang kuryente. At least kutson hinihigaan natin tas naka aircon kapa. Pwede kapa manood ng tv kung bored ka”
“buti nlng 30min lng brown out kundi check in talaga with the kids hhahahahahaha”
“Ikaw na lang talaga bahala kung gusto mo ng lights on or lights off..”
Sa kasalukuyan, umani na ang naturang post ng higit 32k reactions, 751 comments, at 5.2k shares.