May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Totoo bang nagdudulot ng diabetes ang pagkain ng matatamis?

Totoo bang nagdudulot ng diabetes ang pagkain ng matatamis?
Photo courtesy: Unsplash

“Nako, bawal ‘yang matamis. Nakaka-dyabetis ‘yan!” 

Ito ang isa sa mga paniniwalang naririnig sa maraming may iniinda sa lebel ng kanilang blood sugar, partikular sa mga may sakit na diabetes. 

Ayon sa pag-aaral ng British Heart Foundation, habang ang pagkain ng matatamis ay nakakapagpataas ng panganib ng Type 2 Diabetes, mula sa excess weight gain o obesity, ang matatamis ay hindi direktang dulot ng sakit na ito. 

Kaya sa pag-aaral naman ng Diabetes UK, ang pagkain ng matatamis ay posible pa rin kung paminsan-minsan lamang ito at gagawin ito bilang parte ng isang healthy at balanced diet.

Saad pa rito, para sa maraming maiging binabantayan ang kanilang kalusugan, hindi kinakailangang alisin ang asukal sa diet dahil ito ay natural na natatagpuan sa maraming pagkain tulad ng prutas, gulay, at dairy.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Ang pinapayong bawasan ay ang “free sugars” o mga asukal na nakukuha mula sa mga pagkain tulad ng baked beans, pasta sauce, tomato ketchup, yogurt, at ready meals. 

Mayroon din nito sa ilang pagkain tulad ng biskwit, cake, at chocolate bars. 

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga sumusunod ang nagsisilbing “trigger” sa pagtaas ng blood sugar: 

1. Sunburn 

2. Artificial sweeteners

3. Kape

4. Pagpupuyat

5. Hindi pagkain ng almusal

6. “Dawn phenomenon” o pagtaas ng blood sugar tuwing umaga

7. Kakulangan sa tubig

8. Nose spray

9. Gum disease