May 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lagot! Ronnie Alonte, kinasuhan NDA violators ng kasal nila ni Loisa Andalio

Lagot! Ronnie Alonte, kinasuhan NDA violators ng kasal nila ni Loisa Andalio
Photo courtesy: Screenshot from Think Talk Tea (YT)/Ronnie Alonte (IG)

Hindi palalagpasin ng aktor na si Ronnie Alonte ang mga lumabag sa non-disclosure agreement (NDA) sa naging kasal nila ng misis na si Loisa Andalio, batay sa naging panayam sa kaniya sa isang podcast.

Ayon kay Ronnie sa podcast na "Think Talk Tea" noong Abril 23, dapat pala talaga, lihim lang ang kasal nila ni Loisa at matagal na pala nila itong napaghandaan bago pa man nila nalamang nagdadalantao na si Loisa.

Ikinasal sina Ronnie at Loisa noong Nobyembe 27, 2025, kasabay sa pagdiriwang nila ng kanilang 9th anniversary.

Maki-Balita: Nanggulat! Ronnie Alonte, Loisa Andalio kinasal na

Nagulat ang mga netizen sa mabilis na anunsyo ng kanilang kasal, dahil noong Nobyembre 21, kaka-post lang nila patungkol naman sa naging engagement nila.

Tsika at Intriga

Puksaang Inah vs. Rosmar: Gen Z slang na ‘EW,’ kadiri ba ang ibig sabihin?

Hindi raw sana nila ilalabas sa social media ang tungkol sa kasal nila, pero huli na nang isa sa mga dumalo sa kanilang kasal ang naglabas ng video nito sa TikTok, kaya nalaman tuloy ng taumbayan ang tungkol sa kasal.

Ang sinasabing naglabas ng video ay isa sa mga tauhan daw ng nagsagawa ng fireworks display sa kanilang wedding.

Kaya naman, minabuti na lang nilang ilabas ang tungkol sa kasal, kahit na may NDA ang mga dumalo rito. Ang totoo raw kasi, sa Disyembre pa raw sana nila balak ang isapubliko ang tungkol sa pagiging Mr. and Mrs. Ronnie and Loisa Alonte nila.

Inamin ni Ronnie na nagsampa na sila ni Loisa ng kaso laban sa mga naglabas ng detalye ng kanilang kasal sa kabila ng pinirmahang NDA, at posible pang madagdagan.

"May kaso na nga yung iba, on-going na yung isang kaso," saad ni Ronnie.

"Kasi November 26 kami ikinasal, sa December pa dapat ilalabas. Kaso lumabas na siya ng November 27 ng tanghali noong nag-video, kaya ako, sabi ko, 'Mag-post na ako.' Ang nangyari tuloy, yung December 25 ng hatinggabi, hayun yung announcement namin na buntis si Loisa," paliwanag pa ng aktor.

Hindi naman tinukoy ni Ronnie kung ilan pa ang "sasampulan" niya.

Kaya naman, mahalaga ang pagsunod sa NDA para nang sa gayon, hindi magkaroon ng aberya o legal concerns tungkol sa paglabag.