May 22, 2026

Home BALITA

Llamas, nilektyuran si Sen. Robin sa papel ng minority sa lehislatura

Llamas, nilektyuran si Sen. Robin sa papel ng minority sa lehislatura
Photo Courtesy: Ronald Llamas, Robin Padilla (FB)

Ipinaliwanag ng political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas kay Sen. Robin Padilla ang tungkulin ng minorya sa Senado.

Matatandaang sa isang panayam noong Lunes, Mayo 4, sinabi ni Padilla na tututulan umano ng mga kapuwa niya minority ang pag-convene sa Senado bilang korte sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

"'Di ba ang papel naman ng minority to oppose? Hindi lang impeachment. Lahat ng bagay dito, ang trabaho namin ay i-oppose," anang senador.

Ngunit sa isang Facebook post ni Llamas nitong Martes, Mayo 5, kinontra niya ang pahayag na ito ni Padilla.

Aniya, “Ang papel ng minority sa legislature ay hindi lamang to oppose for opposition’s sake. Kung tutol ka lang ng tutol, obstructionist ka. Ibig ba sabihin, kapag may panukala ang majority na taasan ang budget ng education, automatic na tututulan ito ni Sen. Robin?” 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

“Ang trabaho ng minority ay maging fiscalizer, o check and balance sa majority. Pero hindi ito monopolyo ng minority. Kahit sa majority ay may mga fiscalizers gaya nina Senator Ping Lacson, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino,” dugtong pa ni Llamas.

Tungkulin umano ng minorya na maghain ng mga alternatibong polisiya at bisyon lagpas sa simpleng pagtaliwas lamang.

Kaya ipinaalala ni Llamas na ang impeachment ay constitutional duty ng mga senador.

“Kapag tinutulan mo ito, nilalabag mo ang mismong mandato at trabaho mo,” pahabol pa niya.

Sa kasalukuyan, inaprubahan na ng House Committee on Justice nang walang pagtutol ang mga ulat na naglalaman ng articles of impeachment laban sa Bise Presidente.

Samantala, ayon naman kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, inaasahang muling mai-impeach ng Kamara si VP Sara sa susunod na linggo.

Kaugnay na Balita: Rep. Diokno, sinagot kung bakit mahalaga ang impeachment sa gitna ng problema