May 22, 2026

Home BALITA

US, nagpakawala ng missile mula sa Tacloban airport—AFP

US, nagpakawala ng missile mula sa Tacloban airport—AFP
Photo Courtesy: via MB

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpakawala ng missile ang United States’ Typhon Mid-Range Capability (MRC) sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumapag ito sa Pilipinas noong Abril 2024.

Mahalagang progreso umano ito sa joint military exercises sa ilalim ng Balikatan 2026. Idinisenyo ito ng Pilipinas at Amerika upang palakasin ang seguridad sa rehiyon sa pamamagitan ng mga operasyong pamhihimpapawid, pandagat, panlupa, at cyberspace.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Mayo 5, sinabi ni Balikatan 2026 spokesperson Colonel Dennis Hernandez na inilunsad ang US Tomahawk missile sa Tacloban Airport sa Leyte kaninang umaga.

“The weapon system that we used was the Typhon, a medium-range capable missile, armed with a Tomahawk missile designed to attack land-based targets at ranges of around 805 to 1,500 kilometers,” saad ni Hernandez.

Ngunit paglilinaw niya, wala umanong kargang pasabog ang missle na pinakawalan dahil ang layon lang naman nito ay sukatin ang impact nito.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sabi ni Hernandez, “This is the first time that the Typhon MRC has been fired here in the Philippines.. However, the munition is inert—wala siyang high explosive. Impact lang ang mini-measure natin.”

Samantala, sinita naman ng Koalisyong Makabayan ang aksyong ito ng AFP at US.

Ayon sa grupo, “Under the Balikatan war games, the entire Philippines becomes a playground for imperialist interests while the safety of Filipinos is compromised.” “These Tomahawk missiles are the same weapons being used to bomb civilian infrastructure and kill civilians in Iran and Gaza,” dugtong pa nila.

Kaya nanawagan ang Makabayan na itigil ang Balikatan war games at magsagawa ng agarang imbestigasyon sa missile na pinakawalan.