Bumwelta ang Akbayan Party-list kay Vice President Sara Duterte matapos nitong ihayag ang kagusutuhang mapabilis ang proseso ng impeachment trial.
"Dahil hindi pwedeng tumatagal ‘yong proseso natin na nag-iisip ‘yong mga tao na ‘Ano ba? Totoo ba na may ginawang masama? Hindi ba totoo 'yong mga akusasyon?" anang Bise Presidente sa isang panayam nitong Miyerkules, Agosto 19 habang nasa Zamboanga City.
Kaya sa latest Facebok post ng Akbayan nito ring Martes, hinamon ng pangulo ng naturang party-list na si Rafaela David si VP Sara na humarap sa Senado.
Aniya, “Kung seryoso siya sa gusto niyang mabilis na paglilitis, humarap siya. Let the Senate hear the evidence, let her defense present its case, and let the impeachment court do its job.”
Bukod dito, pinabulaanan din ni David ang pahayag ng Bise Presidente na hindi na raw kinakilangan ang presensya nito sa paglilitis.
“Her lawyers can handle the legal arguments, but she cannot simply disappear from a proceeding that is about her own accountability,” dugtong pa ng Akbayan president.
Samantala, iminungkahi naman ni House Prosecution Adviser at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na gawing apat na araw ang paglilitis laban kay VP Sara upang hindi ito abutin pa ng Pasko.