Tila naduling at namalikmata ang mga netizen sa Threads post ni Miss Earth Philippines 2025 at TV host na si Joy Barcoma matapos magkomento at i-repost ang isang post naman ng netizen sa nabanggit na social media platform, noong Biyernes, Hulyo 24.
Ito kasing netizen, may tanong sa mga kapwa Threads user tungkol sa sasakyan.
"Chinuchunap nyo pa ba sasakyan nyo kahit short drive lang? Gaano nyo kadalas chinuchunap mga sasasakyan nyo???" tanong ng netizen.
Ang ibig sabihin siguro ng Threads user, "tune-up." Ang tune-up ay terminong tumutukoy sa general maintenance ng makina ng sasakyan para mapanatili ang maayos na takbo, pagiging matipid sa gasolina, at maiwasan ang mga sira. Nag-iiba ang tune-up depende sa edad, mileage, at uri ng sasakyan.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"I am so cooked. Tang*na."
"tune up jc. tune up."
"Tune up kasi, hinde chinuchunap. Iba ang pagkakabasa ko sa sinasabi mo."
"okay? mali ako ng basa"
"Grabe ang utak ko hahaha."
Samantala, nawindang naman ang mga netizen nang tila "sakyan" ito ng tinaguriang "Jusa."
"chinuchunap," aniya, kalakip ang pinag-usapang Threads post ng netizen.
Photo courtesy: Screenshot from Joy Barcoma/Threads
At siyempre pa, dahil kilalang funny at witty ang beauty queen, agad din naman itong sinabayan ng mga netizen.
"Finding chuchunapin"
"Teh yung regla ko naman hahahahahahahahahahahaahahahahaha ang lauf ko"
"chinuchunap me and my dirty mind."
"Bakit naman kasi ganyan ang spelling???"
"Partida dahan dahan ko pa binasa pero nag-isip pa din ako."
In fairness naman kay Jusa, talaga namang ganap na ganap na siya sa showbiz matapos ngang ipakita ang hosting skills sa mga Kapuso Network programs kagaya ng "Unang Hirit," "All-Out Sundays," at "The People Have Spoken" at talagang lumalabas ang pagka-witty at funny niya. Swak na swak naman ang tandem nila ng social media personality na Baus Rufo na tuluyan na ring pinasok ang showbiz.