July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Paslit, tepok nang subukang tulungan kaibigang nakuryente sa isang foam party

Paslit, tepok nang subukang tulungan kaibigang nakuryente sa isang foam party
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang isang 11 taong gulang na batang lalaki matapos niyang subukang tulungan ang kaibigan niyang 25-anyos na nakuryente sa isang foam party sa Iloilo noong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, pumuslit lamang ang biktima kasama ang kaniyang kaibigan malapit sa stage kung saan maraming kable ang nakalatag sa sahig.

Batay pa sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, naunang nakuryente ang 25 taong gulang na kaibigan ng biktima matapos umanong makatapakan ang isang live wire sa lugar.

Nang mapansin ito ng biktima, agad niyang sinubukang lapitan ang kaibigan hanggang gumapang na sa kaniya ang kuryente.

"Maaaring naapakan nila ang open wire. Foam party, maaaring nabasa, na-electrocute sila. Kapag nasa dulo, ang lahat ng boltahe sa ‘yo. Ano na daw siya (yung biktima), nangingitim,” ani Lt. Maria Cherry Demarana, Officer-in-charge ng Banate Municipal Police Station, sa media. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Kapwa naisugod sa ospital ang dalawang magkaibigan subalit kalaunan ay pumanaw din ang nasabing batang biktima habang nagpapagaling na ang tinulungan niyang kaibigan.

Samantala, ayon kay Banate Mayor Junjun Gonzales, pumayag umano ang pamilya ng biktima na makipag-areglo sa operator ng sound system na siyang konektado sa kable na nakakuryente sa bata.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.