August 12, 2026

Home BALITA Probinsya

Senior citizen na birthday celebrant, sinalpok ng 16-anyos na nagmamanehong lasing

Senior citizen na birthday celebrant, sinalpok ng 16-anyos na nagmamanehong lasing
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang isang senior citizen sa mismong araw ng kaniyang kaarawan matapos salpukin ng 16-anyos na driver ang kotseng sinasakyan niya sa Negros Occidental noong Martes, Agosto 11, 2026.

Ayon sa mga awtoridad, pauwi na sana ang biktima kasama ang kaniyang apo nang mabangga sila ng kotseng minamaneho ng binatilyong nasa ilalim umano ng impluwensya ng alak.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na nag-overtake ang suspek sa isang motorsiklo dahilan upang masakop niya ang linya ng kalsadang binabaybay naman ng sasakyan ng biktima.

Dead on the spot ang biktima habang sugatan naman ang apo niyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan.

Nagtamo rin ng mga sugat ang suspek habang sugatan din ang tatlo pang kapwa kabataan na kasama ng binatilyo sa loob ng sasakyan.

Probinsya

Bangkay ng isa sa mga binatilyong nalunod sa Cagayan, nahanap na!

Ayon pa sa pulisya, tanging student permit pa lang daw ang dokumentong ginagamit ng suspek sa pagmamaneho niya.

Mismong ang suspek din daw ang umamin na nakainom siya bago magmaneho at siya mismo ang nawala sa tamang linya ng kalsada na naging dahilan ng aksidente.

Kasalukuyan na siyang nagpapagaling sa ospital. Kapag natapos na ang gamutan, nakatakda siyang i-turnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).