May 14, 2026

Home BALITA National

'It's everyone's dream!' SILG Remulla, handa sa tungkulin ng pagiging Pangulo

'It's everyone's dream!' SILG Remulla, handa sa tungkulin ng pagiging Pangulo
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na handa raw siya sa tungkulin ng pagiging Pangulo ngunit hindi raw siya sigurado kung tatanggapin siya ng mga tao. 

Ayon sa naging panayam sa Storycon ng News 5 kay Remulla noong Lunes, Abril 27, 2026, sinabi niyang pangarap ng sinoman ang maging Pangulo. 

“Being President is everyone’s dream,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, hindi raw niya alam kung handa na ang publiko sakali mang tumakbo siya sa mataas na puwesto. 

“But I don’t know if the people are ready for me,” aniya. 

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

Giit naman niya, “I know I’m ready for the job.” 

Matapos nito, tila nagawang magbiro ng political pundit na si Ronald Llamas at sinabing tatakbo rin daw siyang Pangulo para magharap sila sa debate ni Remulla. 

Saad pa ni Llamas, hihikayatin din daw nilang tumakbo si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque upang doon sila magkita-kita sa debate. 

Samantala, matatandaang nauna na ring ilahad sa publiko ni Remulla noong Disyembre 22, 2025, na may posibilidad na tumakbo talaga siyang Pangulo sa paparating na 2028 Presidential elections. 

“It’s a possibility. No conclusion yet, but it’s a possibility,” aniya. 

Paliwanag niya, pumayag na raw ang kaniyang misis noon sakali mang tumakbo siya para sa mataas na posisyon ngunit kailangan daw na makalaban niya sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon at dating Senate President Sen. Chiz Escudero.

“First, my wife, if she totally agrees. Number two, for me, the country, it has to be solidly behind a dichotomy of candidates. It has to be a ‘one-on-one fight.’ It can be Vince, it can be Chiz, but it has to be one-on-one,” saad ni Remulla. 

Sa kabila nito, wala pa namang opisyal na kumpirmasyong isinasagawa si Remulla para sa kaniyang pagtakbo bilang Pangulo sa darating na halalan. 

KAUGNAY NA BALITA: DILG Sec. Remulla, posibleng tumakbo sa 2028 Presidential Elections