May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

'Name withheld no more!' Top 1 ng March 2026 Physician Licensure Exam, tinukoy na

'Name withheld no more!' Top 1 ng March 2026 Physician Licensure Exam, tinukoy na
Photo courtesy: Lyceum-Northwestern University (FB)

Binunyag na ang pangalan ng board examinee na nakakuha ng pinakamataas na score at rank sa ginanap na March 2026 Physician Licensure Examination, na nagmula sa Lyceum-Northwestern University (LNU) sa Dagupan, Pangasinan.

Matatandaang naging usap-usapan at ginawan pa ng mga intriga ang nakalagay na "Name Withheld" sa pangalan ng Top 1 ng nabanggit na licensure exam.

Photo courtesy: PRC

Makalibas ang ilang linggo, tuluyan nang pinangalanan ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pangalan ng Top 1.

Siya ay si Dr. Erwin Ken A. Parchaso.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Naglabas ng isang art card ang kaniyang alma mater para magpaabot ng pagbati para sa kaniya, noong Abril 19, 2026.

Mababasa sa post, "Lyceum-Northwestern University Dr. Francisco Q. Duque College of Medicine proudly celebrates . . for achieving in the March 2026 Physicians Licensure Examination."

"This exceptional accomplishment reflects outstanding excellence, dedication, and the strong foundation of medical education within the Lycean community."

"A proud and well-deserved honor for Dr. Parchaso and for L-NU—rising above and excelling alongside leading institutions across the country," anila pa.

Photo courtesy: Lyceum-Northwestern University (FB)

Photo courtesy: Lyceum-Northwestern University (FB)

Sa comment section, bumaha naman ng pagbati para kay Parchaso, at nagbigay ng reaksiyon at komento sa pagkaka-withhold ng pangalan niya bilang topnotcher.

May mga nagsabi at nagbigay ng kanilang haka-haka na kaya raw marahil hinold ang pangalan ni Parchaso dahil "almost perfect" daw ang nakuha niyang iskor, kaya dumaan daw muna sa "imbestigasyon" at "beripikasyon," lalo't hindi raw "ganoon kakilala" ang pamantasang kaniyang pinagmulan.

"The stress he experienced for this PLE ba, grabe. Wala pajud prior clarification why withheld ang announcement for top 1 , casting doubt nuon to his score. Sana change term na ang PRC , like TBA. HAHAHAHAH. Anyway, congrats doc Erwin. Shat ta puhon. Hahahha."

"98.50 Ang rating nya, almost perfect. Doc saan clinic mo, magpapagamot Ako."

"Congratulations Doc. Now I know why they need to verify it since you are not from the famous-like universities. Are they going to do the same if you are from that schools?? They should be accountable for the humiliation and stress. They should do the verification first before posting! This is not a good show PRC.

"kung sa top medical school to galing hindi na withheld ang pangalan sa result."

"Congratulations po Doc, di biro ang pinagdaanan mong stress, lungkot na wala ka sa lists ng mga pumasa na akala mo bagsak siguro ka, tapos pagverify mo sa score mo walang score dahil ikaw pala ang iniimbestigahan dahil pinagdududahan ang score mo, if galing sa kilalang Universities ganun pa rin ba ang gagawin nila? PRC baguhin nyo ang sistema nyo pagdating jan sa pag verify or pag imbestiga nyo dahil sa totoo lng di kayo nakakatuwa. If may pinagdududahan kayo withhold muna ang result bago nyo ilabas kaloka ka kayo. Pero 98.50% first time in Philippine history sana may speech ka sa oath taking ceremony dahil marami ang interesadong malaman paano mo naabot ang pagiging top 1 sa PLE."

Sa inilabas na bagong anunsyo, nakalagay na ang pangalan ni Parchaso sa website ng PRC bilang topnotcher; sa kabilang banda, hindi naman nakalagay kung ilang ratings ang nakuha niya kaya nasabing siya ang Top 1.

Photo courtesy: PRC

Sa resolusyon ng PRC, mababasa ang tungkol sa dahilan ng pagkakaroon ng "name withheld" sa resulta. 

Ang ibig sabihin nito, may isinasagawang imbestigasyon tungkol sa resulta ng examination, na maaaring dahil sa rating o score na nakuha ng isang examinee, liability nito, kaso ng cheating, at iba pa.

Si Parchaso ang nanguna sa 1,954 bagong physicians mula sa 2,781 examinees ng nabanggit na licensure exam.