May 04, 2026

Home BALITA

Usec. Castro, 'di raw pikon kahit tawaging 'Ante Kler!'

Usec. Castro, 'di raw pikon kahit tawaging 'Ante Kler!'
Photo courtesy: Screengrab RTVM (FB)

Nagkomento si Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro hinggil sa bansag sa kaniyang “Ante Kler” sa social media.

Sa panayam sa kaniya ng isang radio news program nitong Lunes, Abil 13, 2026, ibinahagi niya ang iba raw niyang pakahulugan sa pagtawag sa kaniya bilang “Ante Kler,” at iginiit na hindi niya dinadamdam ito.

"Hindi, hindi, pina-register ko nga 'yan," ani Castro.

Hiirit pa niya, ang Anti Kler day ay nangangahulugang "anti-fake news," at "anti-epal."

Ibinahagi ito ni Castro kasabay nang pag-ugong ng kaniyang pangalan sa isang senatorial survey para sa 2028, kung saan iginiit niyang hindi pa raw niya naiisip ang pagkandidato sa nasabing taon,

Politics

Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!

"Hindi ko ‘yan inisip although syempre may mga tao na nagsasabi na, 'Oy tumakbo ka, tumakbo ka," ani Castro.

Dagdag pa niya, "Siguro masarap na pakinggan kasi may mga tao na maaaring magtiwala sa'yo dahil sa ginagawa mo pero syempre hindi pa siya pumapasok sa isip ko, sa totoo lang."

KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi pa pumapasok sa isip ko!' Usec. Castro, may hanash kung tatakbo siya sa 2028

Matatandaang noong Agosto 2025 nang minsan nang nagkomento si Castro hinggil sa pagtawag sa kaniya bilang "Anti Kler."

"Hindi ko alam, hindi ko alam. Siguro, anti-clear? It might be...What can I expect from them," banat ni Castro.

Dagdag pa niya, "They will never understand my piece, my statement, Even if it is clear enough for them to understand, they will not understand it."