Pinaplano ng aktor at direktor na si Eric Quizon na gumawa ng pelikulang magtatampok sa buhay ng pumanaw na erpat niyang si Comedy King Dolphy.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Abril 10, sinabi niyang isa umano si Bibeth Orteza sa mga tinimbrehan niya
“I've been planning with Bibeth Orteza, so I asked Bibeth to — she wrote the book,” saad niya.
Gusto raw ni Eric na ipakita sa pelikula ang bahagi ng buhay ni Dolphy noong mga huling linggo nito sa ospital bago tuluyang pumanaw.
Aniya, “Sinabi ko sa kaniya [ Bibeth], parang gusto kong encapsulated from the time he was brought to the hospital and until the time that he died."
“Parang maraming hindi nakakaalam 'yong ordeal ng family at that time, and I think it's a beautiful story because from the time that I asked for prayers, parang nakinig ang buong Pilipinas," dugtong pa ni Eric.
Bukod dito, inalala rin niya ang huling araw ng kaniyang ama sa loob ng intensive care unit (ICU) kung saan naroon silang lahat na magkakapatid.
“Nandoon kami lahat,” sabi ni Eric, “walang magawa ang Makati Med, nagkakantahan kami. May gitara 'yong mga kapatid ko, walang magawa 'yong mga doktor.”
Matatandaang pumanaw si Dolphy noong 2012 sa edad na 83.