May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga panganib at takot na dulot ng bangungot

ALAMIN: Mga panganib at takot na dulot ng bangungot
Photo courtesy: Unsplash

Para sa maraming Pilipino, ang panaginip ay isang tagapagpadala ng mensahe mula sa supernatural upang magpakita ng prediksyon sa hinaharap. 

Kapag nananaginip ang isang tao, pinaniniwalaang humihiwalay ang kaluluwa niya mula sa katawan upang maglakbay patungo sa malayong lugar, o dako pa roon. 

Kaya ang pagkakaroon ng panaginip ay itinuturing na nagdadala ng suwerte at proteksyon o kaya nama’y kamalasan o kamatayan sa indibidwal na nakaranas nito o kaniyang mga kaanak at kalapit na kaibigan, na kilala rin bilang bangungot o nightmare. 

ANO NGA BA ANG BANGUNGOT?

Ayon sa mga eksperto, ang bangungot ay isang pangyayaring nagdudulot ng “misteryosong” pagkasawi ng isang indibidwal sa kaniyang pagtulog.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Kadalasang nagdudulot ito ng biglaang pagbangon at pag-ungol ng indibidwal na nakararanas nito. 

Dahil na rin sa kasalukuyang kakulangan ng siyentipikong pag-aaral, ang pagkasawi mula sa bangungot ay kinikilala ng mga eksperto bilang “Sudden and Unexplained Death in Sleep” (SUDS) o “Sudden Nocturnal Death Syndrome” (SUNDS). 

ANO ANG DULOT NG BANGUNGOT? 

Ayon sa National Health Service (NHS), ang bangungot ay kadalasang dulot ng mga sumusunod: 

- Sobrang pagod o sama ng pakiramdam.

- Biglaang ingay sa gabi o pangangailangan umihi sa gabi na nakaaapekto sa malalim na pagtulog ng isang indibidwal. 

- Pagkabalisa o pagkatakot

Kabilang pa rito ang ilang medikal na kondisyon tulad ng: 

- Pag-inom ng mga medikasyon tulad ng antidepressants

- Mga kondisyon tulad ng restless legs syndrome (RLS), kung saan, ang indibidwal ay mayroong matinding pangangailangan na igalaw ang kaniyang mga binti habang nagpapahinga sa gabi; o sleep apnoea, kung saan ang paghinga ay humihinto sa pagtulog. 

- Mental health conditions tulad ng generalized anxiety disorder (GAD). 

- Parkinson’s disease, na isang progressive damage sa utak. 

- Malalang injury 

MAIIWASAN BA ANG BANGUNGOT? 

Ayon sa pag-aaral ng Verywell Mind, habang komplikadong intindihin, makatutulong ang pagkilala sa “personal triggers” sa pag-iwas sa bangungot at pagkakaroon ng maayos na tulog. 

Isa na rito ang pagkakaroon ng “dream journal” upang mapag-aralan ang patterns at tema ng bangungot sa pamamagitan ng drawing o painting. 

Pangalawa, ang pagrepleksyon sa mga trauma na napagdaanan at mga medikasyong iniinom o nainom at pagpunta sa eksperto upang sumailalim sa consultation at therapy. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Gaano kahalaga ang tulog sa malusog na pangangatawan?