May 22, 2026

Home BALITA National

Jay Sonza, pinayagang magpiyansa ng Pasay court; kaso, unang naklasipikang non-bailable!

Jay Sonza, pinayagang magpiyansa ng Pasay court; kaso, unang naklasipikang non-bailable!
Photo courtesy: MB File Photo

Pinayagan ng Pasay City court na makapagpiyansa ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos maaresto noong Abril 30 ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaniyang bahay sa Quezon City.

Unang naiklasipika bilang non-bailable ang kaniyang kaso, ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Mark Tolentino.

Ayon kay Tolentino, maglalagak sila ng piyansang nagkakahalaga ng ₱10,000 sa Lunes ng umaga.

“As today is a non-working day and the courts are closed, we will post bail early tomorrow morning (Monday) to secure his immediate release,” pahayag ng abogado.

Aniya pa, "We are taking all necessary steps to ensure Mr. Sonza’s prompt release and will continue to pursue appropriate remedies in light of the irregularities in this case."

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Nahaharap si Sonza sa cyber libel case na may kaugnayan sa umano’y pagpapakalat ng fake news tungkol sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Matatandaang noong Pebrero, naghain ang NBI ng cyber libel complaint laban kay Sonza at sa vlogger na si "Ka Eric Celiz," kaugnay sa pagpapakalat ng pekeng medical records ni PBBM.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI si Sonza at inaasahang pansamantalang makakalaya sa Lunes, kapag naasikaso na ang piyansa.

Maki-Balita: Jay Sonza, inaresto dahil sa kasong cyber libel