May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Food packs, ikinakasa na ng DSWD, para sa mga apektado ng Mayon ashfall

Food packs, ikinakasa na ng DSWD, para sa mga apektado ng Mayon ashfall
Photo courtesy: Contributeed photo

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo, Mayo 3, 2026 na mahigit 300,000 food packs at iba pang pangunahing pangangailangan ang inihahanda na para sa mga residenteng apektado ng tuloy-tuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa rehiyon ng Bicol.

Ayon sa advisory ng ahensya, umabot na sa 301,311 family food packs ang naipre-position hanggang 6:00 ng umaga para sa mga residente ng Albay na naapektuhan ng makapal na ashfall dulot ng bulkan.

Bukod dito, nakahanda na rin ang 27,322 ready-to-eat food boxes at 15,156 non-food items na agad ipamamahagi sa mga nangangailangan.

Samantala, naglaan na rin ang DSWD ng kabuuang ₱11,304,150 para sa emergency cash transfer program, habang ₱28,305,450 naman ang inilaan para sa cash-for-work (CFW) program sa rehiyon.

“Ang CFW ay ipinamahagi sa mahigit 2,169 na apektadong magsasaka ng mga nakaraang aktibidad ng Bulkang Mayon,” said DSWD.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Tiniyak din ng ahensya na patuloy ang kanilang pagbibigay-suporta sa mga apektadong residente hanggang sa tuluyan silang makabangon mula sa pinsala.

Nauna nang natabunan ng makapal na abo ang ilang bayan sa Albay noong Sabado kasunod ng strombolian eruption ng Mayon Volcano at pagdaloy ng pyroclastic density currents, na nagdulot ng pangamba at paglikas ng ilang residente sa mga high-risk na lugar.