May 22, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Sue Prado 'di nagpabayad sa isang pelikula, alam na may adbokasiya—direktor

Sue Prado 'di nagpabayad sa isang pelikula, alam na may adbokasiya—direktor
Photo courtesy: Sue Prado, Roman Perez, Jr. (FB)

Binigyang-pugay ng movie director na si Roman Perez, Jr. ang namayapang award-winning theater, TV, at movie actress na si Sue Prado sa edad na 44.

Kinumpirma ng kapatid ni Sue na si May Shereen sa isang Facebook post noong Miyerkules, Abril 15, ang pagkamatay ng kaniyang kapatid.

“Our dearest Sue M. Prado has become a constant star in the night sky,” panimula ni May sa nasabing post.

“It is with profound pain that we share Sue’s passing. Sue brought light in anyone’s path throughout her life. A life lived for others, for the craft she nourished and for those who she loved most,” dagdag pa ng kapatid.

Hindi nabanggit ng kapatid ni Sue ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.

Pelikula

Maria Ozawa, bet sumabak sa VMX

Nagluksa ang industriya sa pagkamatay ng award-winning actress sa pamamagitan ng pagpo-post ng tribute nila para kay Sue, kabilang na ang direktor.

"Paalam Sue M. Prado," saad ng direktor matapos niyang i-repost ang isang ulat tungkol dito.

Sa isa pang post, ibinahagi ng direktor ang isang video clip mula sa pelikulang "Sol Searching" noong 2018 kung saan makikita si Sue sa pagganap niya bilang nanay na nakikiusap sa isang guro para tanggapin ang kaniyang anak sa klase, kapalit ang inahing manok at kambing.

Saad ni Direk Roman, hindi raw nagpabayad si Sue sa pelikulang ito. Ganito raw si Sue lalo na kung alam niyang may adbokasiya ang pelikula.

"Pagpupugay sa Buhay! Alternative Cinema Queen Sue M. Prado ARTISTA NG BAYAN. Hindi nagpabayad para sa isang pelikula. Kapag alam niyang may adbokasiya ang Pelikula. SOL SEARCHING 2018," mababasa sa post ng direktor.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Malalim at mabuting tao si ate. Thank u for sharing this direk."

"Hay... may her soul rest in peace..."

"Love you Sue!"

Samantala, hindi naman idinetalye ng pamilya ni Sue ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Hindi rin napabalitang may malubhang sakit ang aktres sa mga nagdaang araw.

Maki-Balita: KILALANIN: Ang pumanaw na indie film actress na si Sue Prado

Maki-Balita: Sue Prado, nakadalo pa sa storycon noong Abril 11; may sey tungkol sa 'letting go!'