April 26, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Heart Evangelista, first love si John Prats

Heart Evangelista, first love si John Prats
Photo Courtesy: Heart Evangelista (FB)

Inamin ni Kapamilya star at socialite Heart Evangelista na ang direktor at aktor na si John Prats ang kauna-unahan niyang pag-ibig.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Abril 9, sinariwa ni Heart ang alaala ng relasyon nila ni John.

“Looking back and when I saw him again, I realized that I think I dethroned him by giving him the title of first love kasi pinaiyak niya ‘ko, a,” saad ni Heart.

Dagdag pa niya, “Brutal kami sa isa’t isa, so inisip ko, hindi naman ‘yon pagmamahal kasi parang brutal kami na ano…kasi we grew up together, six years of my life. From 13 to 20, 19 kami ‘yong loveteam, e.”

Nakakalito rin umano ang relasyon nilang dalawa noon ayon mismo kay Heart. Tila hindi matukoy kung pag-ibig na ba ang kanilang nararamdaman o bahagi lang ng kanilang trabaho bilang mga aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Kris Lawrence, nilinaw real-score nila ni Katrina Halili

Matatandaang kamakailan lang ay nagkaroon ng pagkakataong magkita sina Heart at John.

Nagkasama sila noong early 2000s sa mga proyektong gaya ng "G-mik," "Berks," "Trip," "My First Romance," at iba pa.

Sa kasalukuyan, may kaniya-kaniya nang kapares sa buhay ang dalawa. May tatlong anak na si John sa misis niyang si Isabel Oli habang si Heart naman ay kasal na kay Chiz.