May 15, 2026

Home BALITA

Nartatez, iginiit patuloy na kampanya vs ilegal na droga

Nartatez, iginiit patuloy na kampanya vs ilegal na droga
Photo courtesy: PNP


Ibinida ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang patuloy na kampanya ng kanilang ahensya kontra ilegal na droga.

Kasunod ito ng matagumpay na weeklong operations ng PNP sa Cordillera Administrative Region (CAR), kaugnay sa kanilang anti-illegal drug campaign na isinagawa mula Abril 19 hanggang Abril 25.

Sa naturang drug operation, winasak ng PNP ang aabot sa humigit-kumulang ₱11 milyong halaga ng hinihinalang marijuana.

Batay sa pahayag ni Nartatez, tanda raw ang mga operasyong gaya nito ng kanilang mithiing puksain ang mga drug supply at source sa bansa.

"Ito ay malinaw na patunay na tuloy-tuloy ang ating aksyon laban sa ilegal na droga. We are going after the roots of the problem, and we will sustain this momentum,” saad ni Nartatez.

Aniya, “Malaki ang papel ng ating mga kababayan dito. Kapag may nakikita kayong kahina-hinalang aktibidad, huwag kayong mag-atubiling magsumbong. Ang laban na ito ay laban nating lahat.”

Paalala pa ng pulisya, may kaakibat na kahihinatnan ang pakikiugnay sa mga aktibidad na may kinalaman sa ilegal na droga.

“These activities carry serious legal consequences. We urge everyone to stay away from illegal drugs and support law enforcement efforts,” anang PNP.

Pagtitiyak pa ng PNP sa publiko, ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya nang nakaayon sa mga umiiral na batas sa bansa.

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa