May 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga bakunang kailangan ng bawat Pinoy

ALAMIN: Mga bakunang kailangan ng bawat Pinoy
Photo courtesy: Unsplash

Ang pagpapabakuna ay isa sa mga itinuturing na kontrobersyal na paksang pinag-uusapan ng marami dahil sa iba’t ibang pananaw na pumapaligid dito. 

Kaya ayon sa World Health Organization (WHO), bagama’t bukas ang pagpapabakuna para sa lahat, ang mga maling kuro-kuro ang humahadlang upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng bakuna. 

Batay pa sa WHO, ang pagpapabakuna ay isang “global health success story” na nakapagliligtas ng milyon-milyong buhay taon-taon. 

Sa kasalukuyan, naiiwasan na ang higit 30-life threatening na mga sakit at impeksyon dahil sa pagpapabakuna, na nagiging daan upang magkaroon ng malusog at mahabang buhay ang mga tao. 

Kaya narito ang ilan sa mga importanteng bakuna na kailangan ng bawat Pilipino: 

Human-Interest

Walang Takas sa Batas: Paano kung si Gen. Torre humuli kay Sen. Bato?

BCG vaccine

Ang bakunang ito ay kadalasang ibinibigay sa mga sanggol at mga bata, dahil sa proteksyon nito laban sa impeksyon ng Tuberculosis (TB).

Bukod pa rito, ang BCG vaccine ay nakapagbibigay rin ng proteksyon mula sa meningitis. 

Hepatitis B

Ang Hepatitis B vaccine ay ibinibigay sa mga bagong panganak na sanggol, na kadalasang hindi nakikitaan ng sintomas ng hepatitis ngunit kalauna’y posibleng magdulot ng mga sakit na cirrhosis at liver cancer. 

Pentavalent vaccine

Ang Pentavalent vaccine ay ibinibigay sa mga sanggol na nasa anim hanggang 14 linggo bilang proteksyon sa Diphtheria, Pertussis (whooping cough), Tetanus, Haemophilus Influenzae Type B at Hepatitis B. 

Oral Polio Vaccine at Inactivated Polio Vaccine 

Ang mga bakunang ito ay nagsisilbing proteksyon mula sa Polio, na isang virus na nagpaparalisa sa mga taong kinakapitan nito. 

Ang Oral Polio Vaccine ay ibinibigay sa mga sanggol na nasa anim hanggang 14 linggo. 

Habang ang Inactivated Polio Vaccine ay ibinibigay naman sa mga sanggol na nasa 14 linggo hanggang siyam na buwan. 

Tetanus-Diphtheria (Td) Vaccine

Ang Td Vaccine ay isang bakunang nagpoprotekta laban sa tetanus at diphtheria. 

Inirerekomenda ito sa mga batang nasa edad pito pataas at adults, partikular ang healthcare workers na nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng may mga kondisyong ito; mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang Tdap vaccine, na proteksyon naman laban sa tetanus, diphtheria at pertussis (whooping cough); at mga mayroong matinding sugat o pagkasunog ng balat.

Influenza Vaccine

Ayon sa Department of Health (DOH), ang Influenza Vaccine o Flu Shots ay proteksyon laban sa mga impeksyon dulot ng sakit na influenza. 

Dahil sa mabilis nitong pag-mutate sa loob ng katawan, taon-taon din itong inuupdate ng mga eksperto. 

Ibinibigay ito sa mga taong nasa edad 60 pataas; healthcare workers; mga buntis; mga nasa edad 18 pataas na may comorbidities; at mga nasa militar. 

Pneumococcal Vaccine

Ang bakunang ito nagsisilbing proteksyon laban sa mga kondisyong tulad ng pneumonia, meningitis, at iba pang impeksyon na pumapasok sa daluyan ng dugo. 

Kadalasan itong ibinibigay sa senior citizens na nasa edad 60 pataas; gayundin sa adults na nasa edad 20 hanggang 59 na mayroong iba pang chronic disease.