May 11, 2026

Home BALITA Metro

₱1 bilyon, pondo ng gov't sa loob ng 2 linggo para sa 'service contracting program'

₱1 bilyon, pondo ng gov't sa loob ng 2 linggo para sa 'service contracting program'
Photo courtesy: MB file photo

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez ang pondong kakailanganin nila para sa pag-arangkada ng service contracting program na magsisimula sa Abril 15, 2026.

Ayon kay Lopez, papalo ng tinatayang ₱1 bilyon ang ilalaan nilang pondo para sa inisyal na pondo ng naturang programa sa loob lamang ng dalawang linggo.

Nakatakda umano nilang hatiin ang naturang bilyong halaga: ₱800 milyon para sa road transport sector at ₱200 milyon sa maritime transport.

Ayon sa kalihim, saklaw ng nasabing halaga ang tinatayang 100 transport operators sa bansa. Kabilang na rito ang tinatayang 50,000 unit ng modern at traditional jeepneys, UV Express, city buses at EDSA carousel.

Matatandaang noong Huwebes, Abril 9, nang ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang service contracting program kung saan nakatakdang bayaran ng pamahalaan ng ₱40 hanggang ₱100/km ang mga public utility vehicle (PUVs).

Metro

Matapos tuluyang maapula: PBBM, ipinag-utos 24/7 monitoring ng Navotas landfill

“Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula ₱ 40 hanggang ₱ 100 kada kilometro,” ani Marcos.

Kaugnay din ng nasabing programa ang pagpapatupad ng 20% diskwento para sa lahat ng mga pasahero sa mga piling ruta. Inanunsyo din ni PBBM ang ₱10 fuel subsidy para sa mga PUV.

KAUGNAY NA BALITA: Gobyerno, babayaran PUVs ng ₱40 - ₱100/km sa ilalim ng Service Contracting Program

Kaugnay nito, nilinaw din ng DOTr ang pagmamandato nila ng mga GPS systems sa mga bus at jeepney operators para sa agarang pagre-release ng kani-kanilang payout.

"We have to be within three to five days, every week po yun, pagkatapos kailangan bayaran talaga. 'Pag hindi naka-GPS, baka maantala po kahit papaano yungbabayaran kasi yung validation, counter validation, and verification, yung bilang po per kilometer" saad ni Lopez.