May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Bulkang Mayon, nananatili sa Alert Level 3; pagpasok sa 6-km danger zone, bawal pa rin

Bulkang Mayon, nananatili sa Alert Level 3; pagpasok sa 6-km danger zone, bawal pa rin
Photo courtesy: Mayor Caloy G Baldo/FB


Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mataas pa rin ang aktibidad ng Bulkang Mayon sa kasalukuyan.

Sa ulat na ibinahagi ng PHIVOLCS nitong Lunes, Mayo 11, nakapagtala raw ang Mayon ng 21 volcanic earthquakes, 3 volcanic tremors, 313 rockfalls, at 12 pyroclastic density current signals o uson.

Batay sa ahensya, ang mga talang nakalap ay mula sa pagmamanman sa bulkan simula 12:00 ng hatinggabi noong Linggo, Mayo 10 hanggang nitong 12:00 ng hatinggabi ng Lunes, Mayo 11.

Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan, at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6 kilometrong danger zone ng Mayon—pati na rin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng PHIVOLCS ang publiko hinggil sa posibleng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pag-agos ng lahar kung sakali mang bumuhos ang ulan.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!