May 01, 2026

Home BALITA

Roblox, ‘di na iba-ban sa Pinas

Roblox, ‘di na iba-ban sa Pinas
Photo Courtesy: Unsplash, via MB

Hindi na tuluyang ipagbabawal sa Pilipinas ang Roblox matapos ang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal gaya ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at ng mga tao sa likod ng nasabing gaming platform.

Sa latest Facebook post ng DICT nitong Martes, Abril 7, sinabi nila sa publiko na paiigtingin umano ng Roblox ang safeguards sa platform nito, kabilang ang mas strikong monitoring, reporting mechanisms, at age-appropriate content controls.

“Bukod dito, sa darating na Abril 12, 2026, magsasagawa ang Roblox ng information campaign upang paigtingin ang safeguards at magbigay ng gabay sa mga magulang kung paano gamitin ang mga ito,” dugtong pa sa post ng ahensya.

Samantala, narito naman ang mga parental control na iminungkahi ng DICT sa mga magulang para maprotektahan ang digital experience ng mga bata.

Una sa listahan ang pagtatakda ng limitasyon sa pagbili, kasunod ang pag-block ng hindi angkop na experiences, at panghuli ay pagpili ng content na angkop sa edad.

Jay Sonza, inaresto dahil sa kasong cyber libel

Matatandaang nag-ugat ang planong pagbabawal ng Roblox sa bansa nang makatanggap si DICT Sec. Henry Aguda ng ulat na ginagamit umano ang gaming platform para sa sexual predation, grooming, at exploitation sa mga menor de edad na kumukonsumo nito.

Maki-Balita: Sikat na gaming platform, posibleng i-ban sa bansa dahil sa child abuse cases