Arestado ang isang babae sa bansang South Korea matapos nitong mapatay ang kaniyang walong buwang gulang na anak na lalaki gamit ang isang television (TV) remote.
Base sa mga ulat, ang babae ay iniimbestigahan sa posibleng kaso nitong “child abuse resulting to death.”
Anang awtoridad, inamin daw ng babae na hinataw nito ng paulit-ulit ang ulo ng kaniyang anak gamit ang isang tv remote.
Dinala ang sanggol sa ospital at naitala ang ilang injury nito sa ulo. Tumanggi ang ina na i-admit ang anak sa nasabing ospital.
Matapos ang tatlong araw, muling dinala ang sanggol sa parehong ospital dahil wala umano itong malay, at namatay din kinabukasan.
Nagsagawa ng isang questioning ang awtoridad at sinabi ng babae na inabuso niya ang kaniyang anak dahil iyak daw ito nang iyak at ayaw matulog.
Dumaan din sa questioning ang ama ng sanggol upang mapag-alaman kung mayroon ba itong kaugnayan sa krimen.