May 22, 2026

Home BALITA National

Sikat na gaming platform, posibleng i-ban sa bansa dahil sa child abuse cases

Sikat na gaming platform, posibleng i-ban sa bansa dahil sa child abuse cases
Photo courtesy: Unsplash

Kinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang posibleng pagbawal sa isang sikat na gaming platform dahil sa mga umano’y iba’t ibang kaso nito ng child abuse. 

Ayon sa pahayag ni DICT Sec. Henry Aguda, ibinahagi niyang nakatanggap sila ng mga ulat na ginagamit ang gaming platform na Roblox para sa sexual predation, grooming, at exploitation ng mga menor de edad sa bansa. 

Saad naman ni CICC Usec. Renato “Aboy” Paraiso sa kaniyang panayam sa TV Patrol, nakaka-monitor na rin daw sila ng mga ilegal na transaksyon ng drugs at mga armas sa gaming platform. 

Aniya pa, bagama’t mga bata at menor de edad ang tumatangkilik ng Roblox, kulang pa rin daw ang safety features nito. 

Dahil dito, ang DICT at CICC ay nakapagpadala na ng pormal na notice sa pamunuan ng Roblox at nagbabala na posible itong ma-restrict o i-suspend sa Pilipinas kung hindi nila ito tutugunan. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Kasama rin sa kondisyon ng DICT at CICC ay ang pagre-require ng mas mahigpit na child safety systems at buong koordinasyon sa mga awtoridad ng bansa. 

Sa kaugnay na ulat, iniuugnay din sa Roblox ang kamakailang pagkaka-recruit ng pitong menor de edad upang magplano ng mass shooting gamit ang isang third-party messaging app. 

Ang mga nasabing menor de edad ay nasagip ng Philippine National Police (PNP), at ayon sa kanilang report, ang mga ito ay nahikayat ng “influencers” upang tumingi sa websites na naglalaman ng mga karahasan at terorismo sa loob ng higit-kumulang limang taon.