May 22, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Marcoleta, 'di pinaghahandaan posibleng pag-akyat ng impeachment ni VP Sara sa Senado

Sen. Marcoleta, 'di pinaghahandaan posibleng pag-akyat ng impeachment ni VP Sara sa Senado
Photo courtesy: Rodante Marcoleta/FB

Nilinaw ni Sen. Rodante Marcoleta na wala siyang ginagawang paghahanda kaugnay ng posibleng pagdating ng Articles of Impeachment laban kay Sara Duterte sa Senado.

Sa ambush interview ng media kay Marcoleta nitong Huwebes, Abril 30, 2026, diretsahang sinabi ng senador na hindi pa niya pinag-iisipan o pinaghahandaan ang naturang usapin sa kasalukuyan.

“Hindi ako nagpe-prepare,” ayon kay Marcoleta.

Lumabas ang pahayag sa gitna ng umiinit na diskusyon hinggil sa posibilidad ng impeachment proceedings laban sa bise presidente, kung saan inaasahang gaganap ang Senate of the Philippines bilang impeachment court sakaling maipadala ang Articles of Impeachment mula sa House of Representatives.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, obligasyon ng Senado na dinggin ang kaso kapag naisumite na ang impeachment complaint na may sapat na suporta mula sa mga mambabatas. Gayunman, nananatiling usapin ang timing at kahandaan ng mga senador sa pagharap sa naturang proseso.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Ipinahiwatig ni Marcoleta na wala pa siyang nakikitang agarang pangangailangan na maghanda hangga’t wala pang pormal na aksyon o natatanggap na dokumento ang Senado kaugnay ng impeachment.

Samantala, patuloy ang mga konsultasyon at talakayan sa hanay ng mga senador ukol sa mga posibleng hakbang at paghahanda, kabilang ang mga isyung legal at procedural na maaaring kaharapin sakaling umusad ang kaso.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tiyak na schedule kung kailan maaaring magsimula ang impeachment trial, habang hinihintay pa ang susunod na hakbang mula sa Kamara at iba pang sangay ng pamahalaan.