May 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marian Rivera, posible bang mag-ober da bakod sa ABS-CBN?

Marian Rivera, posible bang mag-ober da bakod sa ABS-CBN?
Photo courtesy: via MB

Kasabay sa Linggo ng Pagkabuhay, buhay na buhay rin ang mga marites na nang-iisyung baka lilipat na raw si GMA Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa bakuran ng ABS-CBN, makalipas ang ilang dekadang pamamayagpag at pagiging reyna ng Kapuso Network.

Sa ulat ng Manila Bulletin nitong Abril 5, 2026, na isinulat ni Robert Requintina, lalo umanong umigting ang mga katanungan at intriga dahil sa napababalitang proyekto ni Marian kasama ang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ilalim ng Star Cinema, na posible raw lumabas ngayong 2026.

Ang genre daw nito ay isang "family drama."

Matatandaang ang pelikulang "Rewind" noong 2023 na ginawa ng mag-asawa sa Star Cinema, movie outlet ng Kapamilya Network, ay minsan nang naging "highest-grossing movie of all-time" at nalagpasan pa nga ang "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Maki-Balita: Record-breaking! 'Rewind' kinabog lahat ng 'MMFF movies of all time' sa kita

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Maki-Balita: Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

May mga nagsasabi kasing hindi man lang daw nagawan ng GMA Pictures ang mag-asawa ng box-office movie, at kinailangan pang gumawa ng dalawa ng pelikula sa Star Cinema para magawa ito.

Pero noon pa man, matagal na rin daw naiisyung lilipat si Marian sa kabila ng pagiging Primetime Queen ng Kapuso Network, at ang laging sagot nito, hindi siya lilipat dahil loyal at masaya siya bilang Kapuso, pero open at willing naman siyang makipagtrabaho sa Kapamilya kung sakali.

Posible naman ito ulit, dahil uso naman na ang collaboration sa dalawang network, gayundin sa pagitan ng Star Cinema at GMA Pictures, na nagawa na nga nila sa "Love You So Bad" noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025, kung saan bumida ang dalawang Kapuso stars na sina Will Ashley at Dustin Yu, at Kapamilya star na si Bianca De Vera bilang leading lady.

Nag-collab na rin ang dalawang movie outlets sa sequel ng HLG na "Hello, Love, Again" kung saan naagaw mula sa Rewind ang korona at ito na nga ang highest-grossing movie of all time.

Pero hindi ibig sabihin na willing gumawa ng proyekto si Marian sa ABS-CBN, nangangahulugang tuluyan na siyang lulundag ng home network, na nagbigay sa kaniya ng pangalan at kung anuman ang estado niya ngayon sa industriya. Ilan sa mga iconic roles at projects na nagawa niya sa GMA, na nagbigay sa kaniya ng labis na stardom, ay "MariMar" noong 2007, na sinundan agad ng "Dyesebel" noong 2008, at "Darna" noong 2009.

Bumida na rin siya sa South Korean drama adaptation gaya ng "Temptation of Wife" noong 2012.

Nabigyan din siya ng pagkakataong mag-host sa isang drama anthology, ang "Tadhana."

Bukod dito, naging isa rin siya sa regular host ng defunct Sunday musical variety show na "Sunday PinaSaya" noong 2015.

Bumida na rin siya isang sitcom kasama ang mister at si Pokwang, ang "Jose & Maria's Bonggang Villa" noong 2024.

Noong 2025 hanggang kasalukuyan, hurado siya sa "Stars on the Floor," celebrity dance reality competition, kasama sina Rayver Cruz at Jay Joseph Roncesvalles.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Marian maging ang GMA Network tungkol dito.