May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'
Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin, Inah De Belen (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila bardagulan sa social media ng aktres na si Inah De Belen at social media personality na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o "Rosmar Tan" na nag-ugat sa komentong magkamukha raw silang dalawa.

Ibinahagi kasi ni Inah sa kaniyang Instagram post ang isang larawan nila ng partner na si Jake Vargas, matapos silang maimbitahan sa Flores De Mayo sa Barangay Maysantol, Bulacan kung saan, nag-iwan naman ng komento ang isang netizen, na inakala raw niyang si Rosmar nga si Inah.

"Sorry po ha,, nagtataka ako bkt nanjan si jake vargaz,, akala ko talaga si rosmar kung dko nbasa pangalan nag 2 tingin pa ako ang mag jowa pala talaga,, ang ganda mo pati ng damit mo," mababasa sa komento ng netizen.


Agad namang napa-search ang aktres sa internet world kung sino ang tinutukoy na si Rosmar, na hindi raw niya kilala.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Naresearch ko na siya plssss don't associate me with her ew," dagdag pa niya.

Sa isa pang komento ng netizen na magkamukha sila ni Rosmar, sinabi ni Inah na huwag nang banggitin ang pangalan ng social media personality, dahil nabubuwisit siya.

Nakarating naman kay Rosmar ang tungkol sa mga nasabi ni Inah, at sa pamamagitan ng social media posts, pinalagan niya si Inah at binuweltuhan siya.

Aniya, "Kung maka 'ew' ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?"

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Sa isa pang post, "Kung maka ew ka naman sakin. Mas mukha ka pa ngang mom of 3 sakin. At kung makasabi ka ng di mo ako kilala? Mas di kita kilala san ka lumabas? Hiyang hiya naman sayo ang 30M total foll0wers ko. Kala ko di mo ko kilala? Pero sasabihan mo ako ng ew at nakaka bwisit? Okay lang sana na di mo ako kilala pero anong ginawa ko sayo? Para sabihan mo ako ng EW? Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!"

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Samantala, ipinaliwanag naman ng ilang netizens na baka ang "ew" na ginamit ni Inah ay nangangahulugang "either way."

Narito ang ilang mga paliwanag ng netizens:

"either way kasi 'yon HAHAHAHAHAHA. 'don't associate me with her either way' in tagalog: 'huwag mo akong iugnay sa kanya sa anumang paraan' Baka yan po ang ibig nya sbhn."

"EW- either way po 'yan."

"Plss don't associate me with her either way (ew) Ay TANGA!"

"Ang EW ay EITHER WAY ang meaning po."

Samantala, wala pang direktang reaksiyon, tugon, o pahayag si Inah tungkol dito.