Nagawang bigyan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ng personal niyang relo ang isang binatilyong napag-alaman niyang kaboses ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa inupload na isang minutong video ni Go sa kaniyang Facebook page nitong Lunes, Marso 30, 2026, mapapanood ang tila pagmamalaki ng senador sa hindi niya pinangalanang binatilyo.
“Nakilala ni Senator Bong Go ang isang binata na kaboses ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na labis na ikinatuwa ng senador,” mababasa sa simula na caption ng naturang page.
Screenshot mula sa FB post ni Go.
Ani Go, niregaluhan daw siya ng lumapit na binatilyo ng isang rosaryo at tinanggap niya ito.
Matapos nito, mapapanood sa video na tila nasiyahan pa ang senador sa panggagaya ng binatilyo sa boses ni FPRRD at ibinigay niya ang kaniyang personal na suot na relo.
“Ang serbisyo sa tao ay serbisyo rin sa Panginoon. Importante ang pagmamahal at pananalig sa Diyos sa bawat araw na tayo ay buhay at naglilingkod sa ating kapwa Pilipino,” mababasa naman sa pagtatapos sa naturang caption ng post.
Dahil dito, tila naantig naman ang netizens sa naturang post ng senador.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa videong ibinahagi sa publiko ni Go:
“Bait mu talaga senador,na kuha mu talaga ang kabaitan ni PRRD.”
“Talaga boses ni tatay degong”
“Galing naman.koha nya talaga Ang voses n tatay degong”
“Matagal q na yan nakita sa tiktok pero sa fb ngaun q lang sha nakita”
“May President of the Phillipines 2028 panalo”
“Mabait talaga kahit saang aspito titingnan kuya bong go”
“Nakaka tonch naman”
“may puso’t malasakit sa serbisyo”
KAUGNAY NA BALITA: Medialdea, napahinto habang nagtatalumpati sa Solidarity Walk para kay FPRRD; isinugod sa ospital!
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin Padilla, dinepensahan inokray na paayuda ni Sen. Bong Go