May 05, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump, inintrigang ‘bakla’ si Iran SL Mojtaba Khamenei

Trump, inintrigang ‘bakla’ si Iran SL Mojtaba Khamenei
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila kinumpirma ni United States (US) President Donald Trump sa kanilang state media na sinabi umano sa kaniya ng Central Intelligence Agency (CIA) na isang “gay” o bakla ang kakatalaga pa lang na bagong Iranian Supreme Leader na si Mojtaba Khamenei. 

Ayon sa naging urirat ng state media news anchor kay Trump noong Marso 27, 2026, tinanong nila ang naturang Pangulo kung totoo raw ang bali-balitang sinabi sa kaniya ng CIA na “gay” o bakla si Khamenei. 

“Did the CIA tell you that Ayatollah Jr. is gay?” tanong ng international media outlet na Fox News host na si Jesse Watters. 

Ani Trump, totoo raw na sinabi sa kaniya ng CIA na “gay” si Khamenei at diniin niyang marami na raw ang nasasabi ng intrigang ito dahilan para malaggay sa “bad start” o hindi magandang simula ang pamumuno ng huli sa Iran. 

“Well, they did say that but I don’t know if it was only them. I think a lot of people are saying that, which puts them off to a bad start in that particular country,” pagsisimula niya. 

Internasyonal

'Very interesting to people!' Trump, iispluk na UFO files!

Pagkukumpara ni Trump, tila natatawa lang daw siya nang mag-isa habang nakakakita ng mga taong sumusuporta sa kababaihan sa Palestine ngunit pumapatay naman sa mga ito kapag hindi nasunod ang tuntunin sa paraan ng kanilang isusuot. 

“I sort of have to smile to myself when I say I see people trying to defend the Palestinian regime for women, women of Palestine, but they kill women if you don’t wear a certain group if you don’t wear a certain cloth all over your face, you have no chance of living,” patutsada niya. 

Pagpapatuloy niya, ganoon din umano ang ginagawa ng Palestinians sa mga bakla kapag nalaman nilang ganoon ang kasarian ng isang indibidwal, ngunit tila tiyak daw niyang maraming “gay” sa Palestine. 

“You know, when I look at gays for Palestine, but they kill gays. They kill them instantly. They throw them off buildings. And I’m saying who are gays for Palestine and they have a significant amount of gays for Palestine,” aniya. 

Pagbibida pa ng US President, iba raw ito sa America dahil suportado nila ang mga “gay” at nagawa pa nga raw niyang suportahan ang gay national anthem nila noong kampanya dahilan para maraming bumoto sa kaniyang gay people. 

“Now, I think the United very well with the gay vote, okay. I even played the gay national anthem as my walk-off, okay, for campaign. And I think it probably helped me, but I did great with no republicans ever gotten the gay vote like I did,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag ang estado ng Iran kaugnay sa intrigang ito ni Trump. 

Kaugnay nito, mahigpit kasing ipingbabawal sa Islamic penal code ng Iran ang same-sex relationship kung saan maaaring maharap sa parusang kamatayan ang lalabag sa batas nilang ito. 

KAUGNAY NA BALITA: Trump, pansamantalang ititigil pagwasak sa Energy Plants ng Iran ng 10 araw!

KAUGNAY NA BALITA: 'Hit harder, unleash hell!' US, nagbabalang aatake nang mas matindi kung 'di susuko Iran!