May 05, 2026

Home BALITA National

PCG spox Jay Tarriela, narating posisyon nang walang backer

PCG spox Jay Tarriela, narating posisyon nang walang backer
Photo courtesy: DJ CHACHA (YT)

Ibinahagi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela na wala raw siyang naging anomang koneksyon o backer para marating niya ang kaniyang mataas na posisyon ngayon.

Ayon sa inupload na episode sa naging panayam sa “From The Heart” ng mamamahayag na si DJ Chacha kay Tarriela noong Biyernes, Marso 27, 2026, tinanong ng una ang huli kung inaasahan na raw PCG spokesperson mula pa noong pagkabata na malayo ang kaniyang mararating. 

“Did you expect na from Tondo ay malayong malayo ang mararating mo? Kumbaga, bata ka pa lang, talagang ganoon ka nang mag-aspire at mangarap?” kuwestiyon ni DJ Chacha sa spokesperson.

Ani Tarriela, kailangan lang daw maging matiyaga ng isang indibidwal para sa mga pangarap nito. 

“Para sa akin kailangan mo laging magtiyaga,” pagsisimula niya. 

National

Erice, kinukumbinse si Mar Roxas na tumakbo sa 2028 presidential elections

Dagdag pa niya, “Hindi ako naniniwala na lahat ng bagay nangyayari dahil kapalaran mo.” 

Paliwanag ni Tarriela, narating niya raw ang posisyon niya ngayon dahil pinagtrabahuhan niya ito. 

“Kung ano ako ngayon, of course, I work for it and the reason why I have it is because I earned it,” saad niya. 

Pagpapatuloy niya, bantang Tondo raw kasi siya at kailangan niyang humanap ng daan pataas sa antas ng buhay dahil wala naman umano siyang koneksyon sa ilang indibidwal o mga politiko. 

“Again, mga batang Tondo tayo, e. We really have to find our way up. Hindi naman tayo—wala tayong connections, wala naman tayong kamag-anak sa ganiyan, ganito, or politiko na ganiyan,” ‘ika niya. 

Diin niya, tinuruan umano siya ng mga naging karanasan niya noong bata pa siya upang tahakin ang bagay na gusto niyang maging.  

“So ‘yong experience ko mula bata hanggang ngayon, it taught us to strive for what we really wanted to become,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: PCG spox, itinanggi planong kooperasyon sa China sa joint patrols sa WPS

KAUGNAY NA BALITA: 'Pinagdududahan mo legal na batayan, masahol ka pa sa hayop!'—PCG Spox Tarriela