Patay ang isang 71 taong gulang na senior citizen matapos siyang ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Talisay City, Cebu noong Huwebes, Marso 26, 2027.
Ayon sa mga ulat, isang bedridden ang biktima na hindi na nakahingi ng tulong nang mangyari ang insidente.
Batay sa paunang imbestigasyon, bandang 11:0 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa nasabing residential area sa Talisay City. Agad na itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa unang alarma ang sunog, bandang 11:15 ng umaga.
Sinasabing mabilis na lumaki ang apoy at kinailangan itong iakyat ka agad sa ikatlong alarma bandang 12:02 ng tanghali.
Tinatayang nasa 20 kabahayan ang natupok, kabilang na ang bahay ng biktima.
Nagpadala rin ang emergency responders ang mga awtoridad para sa clearing operations sa lugar upang masigurong wala nang matitirang hazardous materials na posibleng makapaminsala pa mga apektadong residente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog. Iniimbestigahan din ng pulisya kung mag-isa lang sa tahanan ang biktima nang mangyari ang sunog.