May 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking lasing, nanaksak ng 10-anyos na pamangkin

Lalaking lasing, nanaksak ng 10-anyos na pamangkin

Isang sampung taong gulang na batang lalaki ang napag-abutan ng init ng ulo ng lasing niiyang tiyuhin sa Talisay City, Cebu.

Ayon sa mga ulat, umuwing ang lasing na tiyuhin ng biktima sa kanilang bahay kung saan nakasagutan nito ang 15 taong gulang na kapatid din ng biktima.

Sinasabing nauwi sa tensyon ang pag-uusap ng kuya ng biktima at tiyuhin nila hinggil sa pagtulog nila sa naturang bahay.

Batay sa imbestigasyon, bunsod ng lakas ng pagtatalo ng mag-tiyuhin ay naging ang sampung taong gulang na biktima. Bumangon ito at saka lumabas mula sa kwarto.

Gamit ang screwdriver, bigla na lamang daw inundayan ng saksak ng suspek ang biktima. Nagtamo siya ng mga saksak sa bahagi ng kaniyang likuran. 

Probinsya

Ilegal na pagkakatay ng baboy, bistado sa Atimonan!

Matapos ang insidente, mabilis na naitakbo ang biktima sa ospital at nasa maayos nang kalagayan.

Samantala, kinumpirma rin ng mga awtoridad na nassakote na ang suspek at kasalukuyan nang nananatili sa kanilang kustodiya.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kaugnay nito, nanawaga naman ang mga awtoridad hinggil sa pagputok ng mga tensyon sa mga lokal na komunidad na maresolba umano ang mga ito nang hindi napapahamak ang mga bata.