Nasampolan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) - Atimonan ang indibidwal na lumabag sa Republic Act No. 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines.
Sa isang Facebook post ng FITS Center Atimonan, Quezon - OMA kamakailan, natiklo ang ilegal na aktibidad matapos isagawa ang Strike Operation ng OMA.
Pinangunahan ito ni Slaughterhouse Master II Ana Cindy Lyn J. Segovia at Municipal Agriculturist Pedro B. Gariguez Jr.
Bilang parusa, binalaan ang nasabing violator at pinatawan ng kaukulang multa.
Matatandaang sa ilalim ng Meat Inspection Code of the Philippines ay ilegal na maituturing ang pagkakatay ng baboy sa hindi rehistrado at aprubadong lugar.
Ang karneng hindi dumaan sa tamang proseso ay maaaring maglaman ng mikrobyong pagmulan ng sakit na posibleng kumalat sa komunidad.