May 17, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Sa stress at galit?’ Kween Yasmin, negatibo ang PT matapos amining buntis!

‘Sa stress at galit?’ Kween Yasmin, negatibo ang PT matapos amining buntis!
Photo courtesy: Kween Yasmin (FB)

“Negative” na ang lumabas sa pregnancy test (PT) ng social media personality na si Kween Yasmin nito lamang Huwebes, Marso 26, matapos niyang ianunsyo ang tatlong linggo niyang pagbubuntis kamakailan. 

“Kaka-PT lang ulit Negative na. Naging Negative na ulit,” ito ang saad ng All-Purpose Kween sa kaniyang Facebook post. 

Aniya pa, dahil daw ito sa stress at galit sa tinutukoy niyang asawa na si Elmer Declaro Villacura o “Troy Turoy,” ngunit binawi naman ito agad ni Kween Yasmin sa nasabi ring post at sinabing “all goods” na sila. 

Nilinaw naman niyang hindi prank ang anunsyong nag-positive ang PT niya. 

Paliwanag ni Kween Yasmin, sa una niyang PT, “positive” raw ang lumabas, ngunit sa sumunod niyang paggawa ng PT, nag-“negative” dahil umano’y nilaglag daw ang baby nila dahil sunod-sunod daw siyang pinainom ng gamot. 

Tsika at Intriga

Mika Salamanca, tinalakan mga nanghe-hate ng artists dahil sa politika: 'Ilagay sa tama galit natin!'

“Hindi Naman po prank. Nung una positive po. Pangalawa negative na po. Negative na po, sa kanya. Wala ng buntis. Sad nilaglag kasi nya yung baby namin. Tapos pinapainom pa nya Ako na ibang gamot. Sunod sunod. ,” malungkot na saad ni Kween Yasmin. 

Pagtitiyak niya, magpapa-ultrasound sila ng asawa sa Biyernes, Marso 27, upang matiyak kung mayroon pa o wala na talagang sanggol sa sinapupunan niya. 

“Magpa-ultrasound kami bukas ng 1:30pm sa fabella para ma make sure kung meron pa ba o Wala na talaga. Yes po mag check up po ko bukas Yung appointment namin with my BF Elmer Villacura A.k.A. Troy Tuyor ng 1:30pm bukas . Bukas ko pa po malalaman pagpunta namin. Kasi galing na kami dun kanina. Thanks so much fabella Dasmarinas Cavite,” ani Kween Yasmin. 

Matatandaang inanunsyo ng social media personality na buntis siya sa isa ring Facebook post noon lamang Miyerkules, Marso 25, sa kabila ng kaliwa’t kanang usap-usapan online sa kaniyang kalagayan at mga paunang pagtatanggi rito. 

MAKI-BALITA: 'Wala pa po kong regla until now:' Kween Yasmin, kumpirmadong buntis!