Naglabas ng sunod-sunod na pahayag sa X (dating Twitter) ang social media personality, Kapuso actress, at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Season 1 Kapuso Big Winner na si Mika Salamanca kaugnay sa umano’y maling pagtutok ng ilang netizens sa pag-atake sa mga artista sa halip na pag-usapan ang tunay na isyu sa pamahalaan.
Sa isa sa kaniyang mga post, nanawagan si Salamanca na itigil ang paggamit sa kasalukuyang sitwasyong nagkakagulo sa politika upang ibuhos ang galit sa mga artistang hindi umano gusto ng ibang tao.
“Stop using this situation to hate artists that you don't like,” saad ni Salamanca.
Dagdag pa niya, mas mainam umanong ituon ang galit sa tamang usapin at pairalin din ang mataas na pamantayan sa pagpili ng mga lider sa darating na 2028 elections.
"Sana ilagay natin sa tama yung galit naten at sana kung gaano kataas standards nyo sa mga content creators at artista ganyan din kataas standards nyo sa mga iuupo nyo sa 2028," ani Mika.
Sa isa pang X post, sinabi ni Salamanca na bagama’t maaaring hindi sumang-ayon ang iba sa kaniyang opinyon o personalidad, mas mahalaga umanong pagtuunan ng pansin ang tunay na problema kaysa sa personal na pag-atake.
“You can always disagree with what I’m saying or even with who I am as a person, but really? Even in conversations about people’s frustrations with the government, some of you still choose to focus on attacking individuals instead of the actual issue,” pahayag niya.
Nagbigay rin siya ng maikling mensahe tungkol sa kahalagahan ng pakikialam sa usaping pampulitika.
“Avoiding politics won’t avoid you, wake up,” saad ni Salamanca.
Photo courtesy: Screenshots from Mika Salamanca (X)
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang kaniyang mga pahayag, lalo na kaugnay ng papel ng mga public figure at content creators sa mga usaping panlipunan at pampulitika.
Inungkat din ng ilang netizens ang pagiging malapit daw niya sa dating presidential daughter na si Kitty Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
"Ang namulat, hindi na muli pipikit. Tuloy ang laban. Thank you for using your platform miks."
"in general kasi yung post mo. lahat nman concern sa pilipinas. diretsohin mo kasi where you stand. sabihin mo na wag na mag tago si Bato harapin nya ang ICC. direct to the point kung magpopost ka man lang."
"Teh di ka namin inaattack. Pero wala talagang sense yung una mong tweet. Nu yon teh? Paki explain."
"What you're saying is kinda contradicting to the people you surround yourself with that's why people call out."
"ang peperfect talaga ng mga bashers! dumagdag pa talaga kayo sa reason bakit ang hirap mahalin ng Pilipinas!!! Inanyo"
Samantala, wala pang panibagong post si Mika tungkol dito.