Tila desidido na si Ashley Ortega na makasama habambuhay ang boyfriend niya at kapuwa Kapuso Sparkle artist na si Mavy Legaspi.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Marso 24, sinabi ni Ashley na papayag siya sa iaalok na kasal ni Mavy sa hinaharap.
“Not now. In the future, oo naman yes,” saad ni Ashley. “I would want him to be my last.”
“Before ko siya sinagot, before we even started dating, I told him that the guy I’m gonna start dating again should be the last guy na,” dugtong pa niya.
Ngunit batid umano ni Ashley na walang kasiguraduhan ang hinaharap kaya hindi rin naman niya gustong magsalita nang tapos.
Aniya, “So let’s just see. I hope it’s him. I hope and pray na it’s him. Hirap din naman na ma-heartbroken ka ulit from back to zero again. But of course, I hope it’s him.”
Matatandaang kinumpirma ni Ashley ang relasyon nila ni Mavy nang mag-guest din siya sa programa ni Boy noong Pebrero 2025.
Ito ay matapos silang maispatang magkasama sa Cebu noong unang buwan ng nasabing taon.
Maki-Balita: Mavy Legaspi, 'thoughtful' at 'generous' na manliligaw sey ni Ashley Ortega
Samantala, bet na bet naman ng magulang ni Mavy si Ashley dahil sa pagiging mabait umano nito.
Maki-Balita: Carmina botong-boto kay Ashley Ortega: 'We love her!'