Nagbunyi ang fans at followers ni Kapamilya star Daniel Padilla dahil finally, may TikTok account na siya na may pangalang "Mang Daniel."
Sa kasalukuyan, may 45k followers na ito at 33.7k likes, at isang upload na larawan kung saan makikita sa background niya ang mother nature.
Photo courtesy: Screenshot from Daniel Padilla (TikTok)
Kapansin-pansin ding naka-turn off ang comment section ng post, pero pumalo na sa 33.7k heart reactions ito.
"HELLO?" mababasa sa caption.
Pero ang mas napansin din ng mga netizen, as of May 6, wala siyang ibang fina-follow na account kundi ang TikTok account ng rumored girlfriend na si Kaila Estrada.
Photo courtesy: Screenshot from Daniel Padilla (TikTok)
Sa kabilang banda, ang TikTok account ni Kaila ay may 634k followers.
Simula nang pumutok ang pagkakaroon umano nila ng relasyon, wala pang kumpirmasyon mula sa kanila, at hindi pa sila humaharap sa isang panayam nang magkasama, bilang isang couple.
Pero lately, napapadalas ang "soft launch" ng dalawa sa isa't isa sa pamamagitan ng kanilang social media platforms.